Monday, February 8, 2010

My newest baby - Nikon D5000


I have always wanted to try photography. I’d like to know the science and the process involved in this popular creative medium. But the equipments are so expensive at hindi ako sure if I have the patience na pag-aralan lahat ng functions ng isang DSLR camera. Sayang naman ang moohlah pag nagkataon. Hahaha.

Nagka chat kami ni Ronald (Santos), classmate ko nung highschool sa LaCo at nalaman ko na nahihilig din pala sya sa potograpiya. Sa lomography in particular. I saw some of his works at nagandahan ako.

In my 2009 Christmas wishlist, I included a DSLR camera. A Canon EOS 500D to be specific. Bakit Canon? Kasi yun yung madalas kong nakikita na nakasukbit sa leeg ng mga enthusiasts. Nag canvass ako sa Parksquare (Makati). Almost 50K. Ang mahal ha - at entry level camera lang sya sa mundo ng DSLR.

Natapos ang Christmas, I was able to resist my desire na bumili ng DSLR. Although nandon pa rin yung demonyong bumubulong sa tenga ko na i-swipe na ang credit card ko at i-zero percent interest ang pinapangarap kong camera. Tuwing dumadaan ako sa Parksquare, Abenson at Ansons – parang kumakaway sa akin yung Canon EOS 500D. Masakit man sa loob ko, lagi ko lang syang tinatalikuran.

Mid-January, I have a photo shoot project with Mr. Mark Floro – isang batikang photographer sa larangan ng advertising and his wife, Ms. Linda Floro- na equally famous naman sa food styling. We have to shoot a new flavor for Elfav – Vanilla Caramel Crumble. Dahil nagtitipid kami ng konti, ako na ang naging creative director.

Parang nabuhay muli ang interest ko sa photography ng makita ko ang mga equipment ni Mr. Mark. Nagtanong tanong ako sa kanya and he gave me some tips. Di ko na I e-expound. Malawak at technical. At di rin ako sigurado kung na process ng utak ko lahat ng sinabi nya. Hehehe.

And then a week after yata, etong highschool friend kong si Abelardo (Jon Capulong) bumili ba naman ng Nikon D5000 sa Hidalgo for 32K lang. 45-50K kaya ang bentahan non sa mga malls. Immediately, napako atensyon ko sa Nikon D5000.

He posted his first shots ng isang langaw sa Facebook at nainggit ako ng todong-todo. Hahaha! Muli, bumalik ako sa pagba-browse tungkol sa camera. Nagku compare na ako ngayon ng Nikon at Canon. I asked my classmate Arlene (Mendoza) na naka-based sa Singapore tungkol sa presyo ng DSLR doon. Base sa kanya, mahal di don. So I limit my search dito sa Pinas.

Out of the blue, napadako ako sa website na http://dbgadgets.multiply.com. I communicated with the site owner - David at nagtanong ako ng mga prices/info. He’s very accommodating naman at parang ina-adya ng pagkakataon, may available pa syang isang kit pa sya ng Nikon D5000 for only 31.5K!!!

Haaaay, naisip ko agad na bawasan ang baon ko sa Singapore tour ko at bumili! Kasama si Doc Joel, nagpunta kami ng Tondo para pik-apin yung camera. Wala si David. Estudyante kasi ang mama sa DLSU at gf na lang nya nag asikaso sa ‘min.

After some introductions, pinapasok na kami at pinakita ang isang box ng Nikon D5000. She opened it at dyaraaannnn!!!! Inabot nya sa akin ang camera….


Gusto kong umiyak at sabihing “my precious…..”!

Konting katikot. Kunwari may alam. Then ok na. Nagbayaran na kami. Nung binibilang ko na yung cash na 31.5K, parang nagdadalawang isip na ko. Hahaha!

Anyway, eto na nga. Lumabas na kami ni Doc Joel sa “bodega” at yakap-yakap ang box ng Nikon D5000.

Pagdating sa bahay, katikot agad. Syempre excited. After ng ilang aral, takbo ako sa Greenbelt para (i-display) hahaha! este maghanap ng subject. Eto na mga unang kuha ko…

No comments:

Post a Comment